Walang puknat pa rin ang pagmamatyag ng Highway Patrol Group- South Cotabato katuwang ang mga kabaro nitong kapulisan at mga opisyal ng Barangay sa mga gumagawa ng iligal na pagkakarera ng motorsiklo o illegal drag racing activities sa lalawigan ng South Cotabato.
Ayon sa hepe ng HPG South Cotabato na si PLt. Juanito Paparon Jr., mahigpit nilang ipinagbabawal ang iligal na pangangarera ng motor lalo na sa national highway o kahabaan ng kalsada.
Ayon kay Paparon, magagawa lang nila na mangarera ngunit dapat ay nasa tamang lugar ito at may kaukulang pahintulot itong pinanghahawakan.
Maliban sa mga ito, tinututukan rin ng HPG sa lalawigan ang tumataas na bilang carnapping lalo’t papalapit na ang panahon ng kapaskuhan at eleksyon.
Kaya naman nanawagan si Lt. Paparon sa publiko na makipagtulungan sa kapulisan upang mapababa ang krimen na ang sangkot ay sasakyan at mga motor.