Aminado si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na galing sa kanya ang kumakalat sa social media na leak screenshot ng isang conversation hinggil sa impeachment complaint laban kay VP Sarah Duterte.
Sinabi nito sa screenshot, hindi na dapat maghain ng impeachment complaint laban sa Bise Presidente dahil hindi naman ito importante.
“Well, it was actually a private communication but naleak na, yes. Because that’s really my opinion. This is not important,” pahayag ng Pangulo.
Dagdag pa ng Pangulo, gambala lamang ito at walang maitutulong sa buhay ng bawat Pilipino. Kaya bakit pa umano ito pag-aaksayahan ng oras.