Inakala ng ilang mga residente ng lungsod ng Kidapawan maging sa iba pang mga lugar na meteorite o bulalakaw ang kanilang namataan na umiilaw pabagsak sa kalangitan ngayong madaling araw.
Debris pala ito ng tinatawag na long march 3B rocket na mula pa sa bansang Tsina.
Dahil dito, binigyang diin ng Philippine Space Agency o PhilSA ang panganib na dulot ng debris ng mga rocket gaya ng booster at fairing.
Bagamat di ito babagsak, maaring magdulot ang debris ng peligro sa tao, barko, eroplano at iba pa na dumadaan sa tinatawag na drop zones.
Bukod pa rito, may posibilidad din na lumutang ang debris at mapadpad sa kalapit na dalampasigan.
Dahil dito, muling nagpaalala ang PhilSA ng kaukulang pagiingat sa mga mamamayan na makakakita ng ganitong uri ng debris.