Bumilis sa 1.7 na porsyento ang inflation rate ng BARMM noong Oktubre ng kasalukuyang taon mula sa naging 1.5 na porsyento noong nakaraang Setyembre.

Dahil dito, naging 4.4 percent na ang regional average inflation ng BARMM mula enero hanggang buwan ng Oktubre. Mataas sa 5.5 porsyento ang nasabing inflation rate noong oktubre.

Nagpakita ng mas mababang inflation rate ang mga lalawigan ng Basilan at Tawi-tawi kumpara noong nakaraang buwan samantalang ang mga lalawigan ng Lanao Sur, Maguindanao, Sulu at Cotabato City na isang Independent Component na siyudad ay nakapagtala ng mas mataas na inflation rate kaysa noong nakaraang buwan.

Ang naging pagtaas sa pangkalahatang inflation ng rehiyon noong Oktubre ay pangunahing itinulak ng mas mabilis na taunang pagtaas ng index ng pagkain at mga non alcoholic beverages na lumago sa 0.9 porsyento noong Oktubre mula sa 0.6.

Isa din aa nagambag ng paglago ay ang transportasyon na mas mabagal ang pagbaba taon taon na 2.6 percent sa buwan mula sa 4.0 porsyentong taunang pagbaba noong nakaraang setyembre.

Bukod pa rito, naitala ang mataas na inflation rate para sa personal care maging ang mga ibat ibang produkto at serbisyo na tumaas sa 3.8 porsyento noong Oktubre 2024 mula sa 3.6 noong setyembre 2024.