Pinasinungalingan at mariin ang pagtanggi ng ingat-yaman ng Lungsod ng Cotabato na si G.Teddy Inta sa naging pasabog sa FB live ni Cotabato City Vice Mayor Butch Abu kamakailan na pag-turnover o pag abot sa kanya ni Inta ng dokumentong may kaugnayan o koneksyon sa LGSF o Local Government Support Fund.

Base sa opisyal na pahayag ng ingat yaman na si Inta, ang naturang pondo ay idineposito ng BARMM Government sa City LGU na may kabuuang halaga na P150-M.

Nabanggit aniya ng bise alkalde sa live nito na blanko ito sa intensyon ng Treasurer na si Inta kung bakit niya ito ibinigay sa kanya ngunit inalmahan ito ni Inta at pinasinungalingan ang banat ni Abu.

Ayon kay Inta, alam niya na for Public Security o itinuturing na Public Document ang nasabing dokumento ngunit ipinagtataka nito kung bakit kinakaya ni Abu na magsinungaling gamit ang kanyang pangalan sa publiko.

Ginawa ni Inta ang pahayag upang malaman ang publiko ang ginagawa umanong panlilinlang ni Abu at malinis ang kanyang pamgalan sangalan ng buong katotohanan.