Nagtipon para sa isang inter-faith prayer kagabi ang mga representante ng iba’t ibang sekta ng relihiyon sa lungsod ng Cotabato upang ipagdasal ang isang linggong paggunita ng Mindanao Week of Peace 2024 na may temang “Sustaining the Gains of Peace Process, Solidarity and Resilience”.

Bukod sa iba’t ibang sektor ng relihiyon, dumalo din kagabi ang mga representante ng academe, NGO’s, CSO’s, mga katutubo, OPAPPRU, Bangsamoro Darul Ifta at marami pang iba.

Ngayong araw, November 28 ay pormal na ring bubuksan ang selebrasyon ng naturang linggo ng kapayapaan sa pamamagitan ng aktibidad na Walk For Peace.