Patuloy na nakaaapekto sa Mindanao ang Intertropical Convergence Zone o ITCZ. Sa Basilan at Tawi-Tawi, inaasahang magiging maulap ang kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm. Posibleng magkaroon ng flash floods o landslides dahil sa paminsang-minsang malakas na pag-ulan.

Sa ibang bahagi ng BARMM, bahagyang maulap hanggang maulap ang kalangitan na may isolated rain showers o thunderstorms, at posibleng magdulot ng flash floods o landslides kapag malakas ang ulan.

Makaranas ng magaan hanggang katamtamang pag-ulan ang mga bayan at lungsod sa Maguindanao del Norte, kabilang ang Sultan Kudarat, Sultan Mastura, Buldon, Barira, Parang, Matanog, Datu Odin Sinsuat, at Talitay. Sa Davao Oriental, apektado ang Lupon, Banaybanay, Tarragona, at Manay.

Sa Sarangani, Glan at Maasim ang maaapektuhan. Sa Davao Occidental, Malita, Don Marcelino, at Jose Abad Santos ang lugar na inaabangan ang ulan. North Cotabato ay may Matalam, President Roxas, at M’Lang na papasok sa ulan.

Sa Misamis Oriental, Initao, Gitagum, Libertad, Alubijid, at Laguindingan ang maaapektuhan. Lanao del Sur ay apektado rin sa Piagapo, Saguiaran, Picong, Malabang, Kapatagan, Wao, Bumbaran, at Balabagan.

Sa Lanao del Norte, ang Munai, Kauswagan, Bacolod, Poona Piagapo, Pantao Ragat, Pantar, Baloi, Matungao, Linamon, Maigo, Tangcal, at Nunungan ay kabilang sa mga lugar na may ulan. Zamboanga Sibugay ay may Titay at Ipil, samantalang Zamboanga del Norte ay may Gutalac, Kalawit, Labason, at Sirawai. Sa Bukidnon, Kalilangan, City of Valencia, City of Malaybalay, at Kadingilan ang maaapektuhan. Tawi-Tawi at Cotabato City ay kabilang din.

Sa Maguindanao del Sur, Datu Anggal Midtimbang, Talayan, Datu Salibo, Sultan sa Barongis, Shariff Saydona Mustapha, Rajah Buayan, Guindulungan, at Gen. S.K. Pendatun ay inaasahang makakaranas ng pag-ulan.

Sa Misamis Occidental, apektado ang Ozamis City, Tudela, Clarin, Sinacaban, Aloran, Jimenez, Panaon, Oroquieta City, Lopez Jaena, Plaridel, Baliangao, Calamba, Sapang Dalaga, at Concepcion.

Pinapayuhan ang lahat na maging alerto at handa sa posibilidad ng flash floods at landslides sa mga apektadong lugar.