Tigok matapos na isugod sa pagamutan ang lider ng mga Indigenous People at isa ring halal na kagawad sa Barangay Bongo, South Upi matapos itong barilin.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Elvin Moires. Nasa isang tribal wedding umano ang biktima pasado alas diyes (10) ng gabi ng barilin ito ng di tukoy na suspek.

Taong 2018 ng mapag-alamang hinarass din ng mga armadong kalalakihan ang pamamahay ni Kagawad Moires. Nagsasagawa na ngayon ng malalim na imbestigasyon ang mga otoridad.