Nakarating sa kaalaman ng National Commission on Muslim Filipinos (NCMF) – Davao Region ang kamakailang vlog ng isang vlogger na naghanap ng “halal na baboy,” kaya’t nagbigay sila ng Show Cause Order at humihingi ng paliwanag mula sa vlogger

Sa vlog ni Crist Briand, nilapitan niya ang isang tindahan ng lechon manok at tinanong kung may “baboy na halal.” Ayon sa NCMF, “Dapat mong malaman na sa ilalim ng mga aral ng Islam, ang baboy at lahat ng mula dito ay itinuturing na haram (ipinagbabawal). Kaya’t ang konsepto ng ‘baboy na halal’ ay hindi lamang mali, kundi nakakalito, nakakasakit, at walang paggalang sa relihiyosong pananaw at kultural na pagpapahalaga ng mga Muslim.”

Batay sa Republic Act No. 9997 o ang NCMF Charter, na nagtataguyod ng karapatan ng mga Muslim sa Pilipinas, iniutos ng NCMF na magpaliwanag ang vlogger sa loob ng limang (5) araw mula sa pagtanggap ng utos. Kung hindi makapagbigay ng paliwanag, magkakaroon ng legal at administratibong aksyon laban sa kanya

Binanggit din ng NCMF na ang kalayaan sa pagpapahayag ay may kasamang responsibilidad na maging sensitibo at magalang sa iba’t ibang tradisyon ng pananampalataya