Nilinaw ng gobyerno ng Iran na nananatiling bukas ang Strait of Hormuz para sa pandaigdigang kalakalan, maliban lamang sa mga sasakyang pandagat na pagmamay-ari ng Israel at Estados Unidos.
Ayon kay Iranian Foreign Minister Abbas Araghchi, hindi isinara ng Iran ang mahalagang lagusan, na dinadaanan ng humigit-kumulang 20 porsyento ng global oil supply mula sa Gulf region.
Anya, tanging mga tanker at barko ng kanilang mga kaaway, pati na rin ng mga bansang umaatake sa Iran at kanilang mga kaalyado, ang hindi pinapayagang dumaan.
Matatandaang ilang barko na ang naging target ng pag-atake sa nasabing karagatan sa gitna ng tumitinding tensyon sa rehiyon. Kabilang na rito ang isang Thai vessel, na kalaunan ay pinabulaanang walang kinalaman sa giyera.

















