Kamakailan lang, bumisita ang Irish delegation sa Bangsamoro, kabilang ang dating Prime Minister ng Ireland na si Bertie Ahern at ang kanyang mga kasama, bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng kapayapaan sa rehiyon, ayon sa opisyal na post ni MILF Chair Al Haj Murad Ebrahim.

Ayon sa post ni Chair Ebrahim, sa kanilang pag-uusap tinalakay ang paghahambing ng Irish at Bangsamoro peace processes, partikular ang post-agreement implementation, pagpapatibay ng tiwala sa pagitan ng pamahalaan at komunidad, at ang mga hakbang na kinakailangan upang makamit ang pangmatagalang kapayapaan sa mga lokal na komunidad.

Binigyang-diin ni Chair Ebrahim sa kanyang post na ang pagbisitang ito ay nagbigay ng mahalagang oportunidad para sa pagpapalitan ng kaalaman at karanasan sa pagtataguyod ng matatag at inklusibong kapayapaan sa rehiyon.