Isang indibidwal ang naaresto sa isang buy-bust operation ngayong Pebrero 24, 2026, bandang 10:45 ng umaga.

Ayon sa ulat, isinagawa ng Station Drug Enforcement Team (SDET) ng Police Station 3, CCPO sa pangunguna ni PCPT Al-Grahammad B. Pompong, Deputy Station Commander, at sa ilalim ng superbisyon ni PCPT Kenneth Van A. Encabo, Station Commander, kasama ang CPDEU CCPO at Public Safety Office sa koordinasyon ng Police Station 2 at PDEA BARMM ang operasyon.

Sa naturang buy-bust, naaresto ang suspek na kilala bilang “Baks”, na kabilang sa Special List of Individuals (SLI).

Patuloy ang imbestigasyon laban sa nahuling suspek.