Bumanat si United Bangsamoro Justice Party VP for Traditional Leaders Datu Mibpantao Antao Midtimbang Sr. sa aniya ay panlilinlang ng mga bangsamoro sa kapwa nito bangsamoro.
Hugot din ito ng opisyal matapos silang mapadalhan ng subpoena na may kaugnayan sa nangyaring harassment noong Oktubre 8 sa bayan ng Shariff Aguak, Maguindanao del Sur.
Una nang pinabulaanan ito ni Midtimbang sabay sabi nito na isa umano itong paratang sa kanila upang malinlang ng mga pulitikong sakim sa autoridad ang taumbayan.
Sa kabila nito, kumpyansa sila na sila ang papanigan at pakikinggan ng hustisya kahit ilang ulit na itong binabaliktad ng iilan.
Matatandaan na sumiklab ang panghaharass sa huling araw ng COC filing noong Oktubre 8 sa Shariff Aguak kung saan isa ang namatay at ikinasugat ng ilang katao.
Nais aniya ng mga nasa likod nito na mabaluktot ang totoong naganap sa krimen at mabaliktad ang hustisya at makuha ang simpatiya ng taumbayan.
Bumanat din si Midtimbang sa mga kumakalaban sa gobyerno ng Bangsamoro at mga bumabatikos kay Chief Minister Ahod Ebrahim at nanawagan sa mga ito na itigil na sana ang mga patutsadahan na walang magandang maidudulot sa mamamayan at sa taumbayan.