Arestado ang suspek sa pananambang sa hepe ng Ampatuan MPS sa lalawigan ng Maguindanao del Sur. Kinilala ni MDS Provincial Police Director Col. Roel Sermese ang nadakip sa pangalang Salah Tunda na top 7 and 9 most wanted na miyembro ng Dawlah Islamiya- Hassan Group.

Kasong pagpatay at tangkang pagpatay ang kaso ni Tunda. Noong Agosto 30, nangyari ang pamamaril sa grupo ni Lt. Reynaldo Samson habang nagsisilbi ito ng arrest warrant sa Barangay Kapinpilan na ikinamatay nito at ng driver nito na si SSgt. Endab at ikinasugat naman ng tatlo (3) nitong kasama na pulis.