Ilang probisyon lamang sa BOL o Bangsamoro Organic Law ang di sinang-ayunan ng mga residente ng lalawigan ng Sulu kaya sila bumoto ng ‘di pabor sa plebesito, limang taon na ang nakakaraan.
Ibinunyag ito ni Sultan Kudarat Mayor Datu Tucao Mastura sa ginawang Grand Kanduli event sa bayan ng Datu Odin Sinsuat, Maguindanao Norte.
Ayon kay Mastura, gusto ng mga residente na manatili ang kanilang probinsya sa BARMM ngunit may mga probisyong di angkop sa kanila kung kaya’t napilitan ang mga botante na bumoto ng NO ng magsagawa ng plebesito.
Ayon sa alkalde, nakakalungkot lamang na tuluyang nawala sa rehiyon ang lalawigan.
Ang mga Tausug ay bahagi ng defunct ARMM at kabilang sa mga nakipagpatayan noon sa mga mananakop na dayuhan upang maprotektahan ang Isla ng Moro.