Nagpahayag ng taos-pusong mensahe ang lider ng Bangsamoro Transition Authority na si Parliament Speaker Atty. Pangalian Balindong hinggil sa usapin ng pagkakahiwalay ng lalawigan ng Sulu sa rehiyon ng Bangsamoro.
Ayon kay Balindong, pinasaringan nito ang kanyang mga kapwa lider na wag sanang lumalim ang bawat sakit na dinulot ng pagkakaiba sa pulitika maging ito man ay indibidual o paksyon.
Dagdag pa ng mambabatas, dapat sila ay makita ng mga mamamayan na nagkakaisa, nakatuon at may malalim na pagtuon sa kagalingan at kinabukasan sa pagkilos at gawa.
Humarap aniya sila sa hamon at dapat ay muli nilang mapagtibay ang ating pangako sa bawat Moro lalo na sa mga taga Sulu. Sa huli, sinabi ni Speaker Balindong na naninindigan sila sa kinakaharap na pagsubok ng lalawigan ng Sulu at ayon pa dito ay sila ay mananatiling Bangsamoro na isang Ummah.