Isang mamamayan na tumangging magpakilala, kasama si Kagawad Norodin A. Mlok ng Mother Barangay Tamontaka, ang kusang loob na nagsauli ng isang kalibre .38 na baril na walang serial number sa Police Station 3, bandang alas-10 ng umaga nitong Oktubre 14, 2025.
Ang nasabing pagsuko ay isinagawa sa ilalim ng pangangasiwa ni PCPT Kenneth Van A. Encabo, Station Commander ng Police Station 3.
Ayon sa ulat, ang nasabing baril at mga bala ay agad na isusumite sa Regional Forensic Unit – BAR (RFU-BAR) para sa ballistic examination at tamang kustodiya. Kasabay nito, magsasagawa rin ng beripikasyon sa Regional Civil Security Unit – BAR (RCSU-BAR) upang matukoy ang pinagmulan ng naturang armas.
Pinuri naman ng mga awtoridad ang ginawang kusang pagsuko ng baril bilang suporta sa kampanya ng pamahalaan laban sa paglaganap ng loose firearms sa lungsod.