Arestado ng National Bureau of Investigation- South Eastern Mindanao Regional Office o NBI SEMRO ang di na pinangalanang faculty member ng isang kilalang paaralan na nagsilbing watcher para sa September 2025 Licensure Examination for Teachers o LET sa Davao City National High School nitong linggo, Setyembre 21.

Ayon sa Professional Regulations Commission o PRC, naaktuhan ang suspek na kinukunan nito ang test questionnaires at pinadadala nito diumano sa mga review centers kapalit ng halagang 10,000.00.

Ayon sa PRC, mahaharap sa kasong administratibo at posibleng paglabag sa RA 8981 ang suspek. Ang RA 8981 ay batas na nagbabawal sa di autorisadong pagkuha ng larawan ng mga ginagamit na materyales para sa pagsusulit o eksaminasyon.

Ito rin aniya ang kaunaunahang kaso sa Davao Region na ang kinontrata nitong LET watcher ay nahuli dahil sa pagleleak o paglalabas nito ng exam questions.