Sugatan ngayon ang isang High Valued Target (HVT) Individual matapos itong manlaban sa mga operatibang maghahain sana sa kanya ng arrest warrant sa Libungan, North Cotabato.

Kinilala ng Libungan PNP ang naturang suspek na si Arnold Gamboa y Tamuyao na may alyas na Arnold, 49 anyos at residente sa nasabing bayan.

Umaga ng tinungo ng mga operatiba ang tahanan ni Gamboa upang hainan ito ng kanyang arrest warrant ngunit ng makatunog ito sa operasyon ng kapulisan ay agad itong tumakbo sa likod bahay upang makatakas.

Ng makita naman nitong may pulis na nakaabang na sa likod ng kanyang bahay, agad nitong pinaputukan ang mga pulis sanhi upang balikan at magpaputok din sa kanya kung saan tinamaan ito sa kaliwang hita.

Naisugod naman sa pinakamalapit na pagamutan ang suspek.

Samantala, huli din ang isang kasamahan ni alyas Arnold na umano ay bisita lang nito na kinilalang si Jake Urboda y Susada, 35 anyos at residente sa bayan ng Midsayap.

Nakumpiskahan si Gamboa ng mga baril, magasin, bala, ilang pakete ng droga maging drug paraphernalia.

Samantala nakumpiska naman ng otoridad kay Urboda ang tatlong (3) pirasong heat-sealed sachet na naglalaman ng droga at ilang paraphernalia.

Dadalhin sa kustodiya ng Libungan MPS sina Gamboa at Urboda para sa disposisyon at pagpapanagot dito.

Photo credits to the rightful owner.