Muling iginiit ni House Assistant Majority Leader at Lanao Sur Congressman Zia Adiong na ang impeachment case na inihain laban kay VP Sara Duterte ay tungkol sa pananagutan o accountability.

Ayon sa mambabatas, ang impeachment ay isang prosesong konstitusyonal na nakabatay dapat sa mga ebidensya at katotohanan at hindi lamang na isang uri ng pamumulitila.

Dagdag ni Adiong, hindi malinaw kung paano ginamit ni Duterte ang daan daang milyong piso na confidential funds nito.

Binigyang diin naman ni Adiong na di magpapatangay sa agos at magpapatinag ang kamara de representantes sa mga propaganda at taktikang pampulitika dahil ito ay laban sa katotohanan, hustisya at pananagutan.