Endorsado na ng Serbisyo Inklusibo Alyansang Progresibo (SIAP) sa lungsod ng Cotabato ang kandidatura ni Maguindanao Norte with Cotabato City Congresswoman Bai Dimple Mastura, dahilan upang maging standard bearer ito ng partido sa susunod na taong eleksyon.

Ginawa ni SIAP Cotabato City President Atty. Naguib Sinarimbo ang deklarasyon sa naging Kamustahan event sa Poblacion 8 sa lungsod.

Suportado naman nina Cotabato City Vice Mayor at Mayoralty Candidate Butch Abu, ilang mga miyembro ng Sangguniang Panglungsod at iba pang kapitan sa pangunguna ni MB Kalanganan Chairman Datu Bimbo Ayunan Pasawiran ang pag endorso sa naturang kongresista.

Nagpasalamat naman si Bai Dimple sa buong tiwala ng partido sa kakayahan nito at liderato.

Ang SIAP ay isa sa mga kaalyansa o kasamang partido ng BARMM Grand Coalition o BGC.