Inaresto ng mga tauhan ng Rajah Buayan Municipal Police Station (RBMPS) sa pangunguna ni PCPT Joel S. Lebrilla, Hepe ng Pulisya, ang isang lalaki sa isinagawang intel-driven spot checkpoint operation noong Marso 14, 2026, bandang 1:30 ng hapon sa Barangay Baital.

Ayon sa ulat, nakumpiska mula sa suspek ang isang (1) Armscor caliber .45 pistol na may serial number 25371, isang (1) magasin, at limang (5) bala. Ang suspek at ang nakumpiskang baril ay dinala sa Rajah Buayan MPS para sa tamang dokumentasyon at legal na proseso.

Ang nasabing baril ay isusumite sa Regional Forensic Unit BAR para sa ballistic examination bilang paghahanda sa pagsasampa ng kaso laban sa suspek para sa paglabag sa R.A. 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Ayon sa RBMPS, ang tagumpay na ito ay patunay ng kanilang tuloy-tuloy na pagpapatibay sa pagpapatupad ng batas upang maiwasan ang paglaganap ng loose firearms at mapanatili ang kaligtasan ng komunidad.