Arestado sa isinagawang buy-bust operation, bandang alas-11:30 ng gabi noong Nobyembre 5, 2025 ang anti-illegal drug operation tauhan ng Sultan Mastura Municipal Police Station–Municipal Drug Enforcement Unit (MDEU) sa Sitio Sawa, Barangay Tuka, Sultan Mastura, Maguindanao del Norte. Pinangunahan ang operasyon ni PCMS Al-Muadz Panda sa ilalim ng superbisyon ni PMAJ Fhaeyd C. Cana, hepe ng pulisya.

Naaresto ang isang lalaki na kinilala sa alyas na “Spyke,” 37 taong gulang, may asawa, walang trabaho, at residente ng Sitio Sawa, Barangay Tuka. Siya ay itinuturing na bagong tukoy na drug personality ng mga awtoridad.
Narekober mula sa suspek ang siyam na heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng humigit-kumulang tatlong (3) gramo at may tinatayang halagang ₱20,400.00. Bukod dito, nasamsam din ang ₱1,000.00 marked money na ginamit sa buy-bust, isang Android cellphone, isang plastic milk container, isang maliit na gunting, isang bamboo caliper, isang improvised tooter, at iba’t ibang identification cards.

Isinagawa sa maayos na paraan ang inventory, marking, at photography ng lahat ng nakumpiskang ebidensya sa lugar ng insidente, sa harap ng isang halal na opisyal ng barangay at isang miyembro ng media, alinsunod sa Section 21 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Ang suspek ay dinala sa Sultan Mastura Municipal Police Station para sa booking at dokumentasyon, habang ang mga nakumpiskang ebidensya ay ipapadala sa Regional Forensic Unit–BAR para sa pagsusuring kwalitatibo at kwantitatibo.

















