Nagkagula-gulanit, sabog at di na halos makilala ang ilang bahagi ng katawan at wala nang buhay na lumulutang sa kanyang Fishpond ang isang magsasaka sa Barangay Tibao sa bayan ng M’lang matapos itong makuryente sa ginamit nitong aparato sa panghuli ng isda.

Kinilala ito ni Tibao Chairman Brandy Tongcua na si Ignacio Barrientos, 56 anyos at residente ng Bialong ngunit may sakahan sa Tibao.

Aniya, gamit ng magsasaka ang isang inorder online na ginagamit sa panguryente ng mga huhulihing isda na lubhang malakas ang boltahe kung maikukumpara sa mga home made na panguryente.

Pinaghahanap anya ito ng kanyang tatay para kumain ngunit ng hanggang umabot ng ala una ng hapon ay nakita na itong nakalutang sa fishpond at wala nang buhay. .

Dead on arrival naman na ito ng dalhin sa ospital. Dahil sa insidente, nagbabala na ang Barangay na wag na mangahas na gumamit ng kuryente pangisda dahil sa bukod na ito ay delikado, ipinagbabawal din ito ng batas.