Isang mall sa lungsod ng Kidapawan ang nadelay ang oras ng pagbubukas matapos itong looban ng mga kawatan kamakalawa ng gabi.
Ayon sa ulat ng mga otoridad, dumaan umano ang mga mangangawat sa drainage system ng Grand Gaisano Mall kung kayat di ito namalayan ng mga guardya na nakabantay sa lugar.
Ayon sa PNP bagamat di pa tukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek, patuloy naman silang nag-iimbestiga sa nasabing krimen.
Bineberipika pa sa mga oras na ito ang danyos o kabuuang halaga ng mga nanakaw sa nasabing mall.