Sa layuning mapalakas ang pagpapalaganap ng impormasyon sa makabagong media na nakatutok sa usaping pangkapayapaan, programa at proyekto at sitwasyon sa bawat Bangsamoro Communities, inilunsad ng Consortium of Bangsamoro Civil Society ang CBCS ang sarili nitong media room sa Barangay Poblacion 4 sa lungsod ng Cotabato.

Pinangunahan ni CBCS Chairman Guiamel Alim ang pormal na pagbubukas nito.

Layunin din nito ang pagbabahagi ng mga balitang napapanahon at sariwa na kailangan na malaman ng komunidad.

Saksi sa naging kaganapan ang mga lokal na mamamahayag sa radyo, telebisyon, dyaryo at maging sa multi media.