Binigyang diin at hayagang sinabi ni Bangsamoro Parliament Deputy Speaker Atty. Omar Yasser Sema sa isinagawang hearing sa senado kahapon na apektado ang moral ng Moro National Liberation Front o MNLF sa naging pagbura sa BARMM ng Sulu.

Ayon sa mambabatas, kumpleto at buo na ang kanilang mga member-nominees sa Bangsamoro Party o BAPA na pinangungunahan ni MNLF Chairman at pangulo nitong si Muslimin Sema simula ng ma organisa ito noong taong 2021.

Sinsero ang mga Moro Revolutionaries na lumahok sa 1st Bangsamoro Parliamentary Elections sa rehiyon sa susunod na taon ngunit noong magpalabas ng kautusan ang Supreme Court na hindi parte o burado na sa BARMM ang Sulu, ikinalungkot nila ito dahil malaki aniya ang epekto ng nasabing Sulu Ruling dahil hindi na magagawa na maipatupad ang isinasaad ng batas na kinakailangang magkaroon ng hihigit sa 10,000 na miyembro ang mga partidong lalahok sa halalan.

Sa mensahe naman na naiparating ng BTA, nararapat naman na mabigyan pa ng kaukulang panahon at pagtingin ng parliamento para maisaayos ang bilang na pupuno sa 80 na members of parliament.