Tigok ang isang driver ng payong payong matapos ito maging biktima ng panibagong serye ng pamamaril sa bahagi ng kalye Macapagal, MBRH nitong lungsod.

Sa inisyal na pagsisiyasat, nakasakay ang biktima na kinilalang si Mahmed Kusain sa kanyang payong-payong ng barilin ito ng gunman. Nakakalap naman ang otoridad ng lima na basyo ng bala.

Dahil dito, itinuturing naman na person of interest ang kapwa nito tsuper na nakasagutan nito bago maganap ang insidente dahil sa agawan ng pasahero.

Samantala, maswerteng nakaligtas mula sa pamamaril at ginagamot ngayon sa bahay pagamutan ang isang Lupon ng Barangay matapos na barilin ito sa bahagi ng MB Tamontaka.

Kinilala ang biktima sa pangalang Datu Ponga Mastura at may hustong gulang. Sa imbestigasyon ng kapulisan, ilang basyo at uri ng baril ang nakuha ng pulisya sa lugar na posibleng ginamit ng gunman kay Lupon Mastura.

Tinutunton na ng kapulisan ang mga nasa likod ng nabanggit na pamamaril.