Natusta ang bahay ng pamilya ni Kagui Kasan Kundo matapos itong masunog partikular na sa Rosary Heights 12, lungsod ng Cotabato nitong sabado ng hapon.

Nagsimula ang sunog ng 4:10 at natapos ito na apulahin bandang 4:40 na ng hapon.

Ayon sa pagiimbestiga ng BFP Cotabato, electrical related ang pinagmulan ng sunog.

Himala naman na walang nagbuwis buhay o nasugatan sa pangyayari habang inaalam naman nito ang danyos ng naturang sunog.

Paalala naman ng BFP, magdoble ingat sa sunog dahil ito ay dumarating ng biglaan at wala itong pinipiling pangalan, panahon at oras.