Maswerte pa sa pinakamaswerte. Ito ay matapos na masunog ang buong poultry farm kahapon ng umaha na pagmamay-ari ni Manuel Samoras na taga Estañol Kidapawan City.

Sa salaysay ng caretaker ng poultry farm ba si Michael Bangkas, mabilis na kumalat ang apoy sa naturang istruktura dahik gawa ang mga kulungan sa light materials.

Kung minalas, sinwerte naman ang naturang mayari dahil walang manok na nadamay sa insidente dahil magiisang linggo na ng sila ay nakapagharvest ng mga manok na nasa nasunog na kulungan.

Dali dali namang rumesponde ang City Fire Department ng Kidapawan sa insidente at naapula agad ang apoy na muntik nang lumitson sa mga manok. Iniimbestigahan nang mabuti ang nasabing insidente.