Isang presinto ng pulis sa bayan ng Sinmunul partikular na sa Manuk Mangkaw sa isla ng Tawi-Tawi ang may bagong bihis matapos na sumailalim sa PCP Restoration Initiative katuwang ang grupo ng mga Metrobank Foundation Outstanding Filipino awardees sa ilalim ng PROTECT o Police Responsible for Organizing, Transforming and Empowering Communities initiative na may layuning mapahusay ang serbisyong panseguridad at kaayusan sa komunidad ng Manuk Mangkaw na mayroong populasyon ng 12,000 katao.
Pinondohan ito ng 100, 000 pesos ng Metrobank Foundation para mapaayos ang nasabing presinto.
Ang Barangay Manuk Mangkaw sa Simunul ay isang liblib na komunidad sa isla ng Tawi-Tawi sa rehiyon ng BARMM.
Bukod pa rito, kasama din sa nasabing inisyatibo ang isang medical, dental and opthalmological outreach at ang pagkakabit ng 28 na solar lights sa apat na eskwelahan, 2 na moske at ang nasabing presinto.