Natagpuang patay sa bahay mismo nito ang isang senior citizen sa bayan ng Tantangan, South Cotabato kamakalawa ng umaga, Nobyembre 18.

Sa ulat ng Tantangan PNP, kinilala ang biktima na si alyas Ciano, 67 anyos at nakatira sa Barangay Poblacion. Wala nang buhay ang biktima ng matuklasan ito na nakahandusay sa kalapit na pinto ng kusina matapos na hanapin ito ng dalawang nagaalala sa kanya ng hindi na ito makitang lumabas sa bahay.

Isang itak diumano ang ginamit upang gilitan ang naturang senior base sa imbestigasyon ng Tantangan Police. Sa ngayon, inaalam pa ng PNP ang motibo at pagkakakilanlan ng suspek na gumilit sa leeg ng naturang senior citizen.