Maagang nagkaroon ng anghel ang isang pamilya matapos malunod-patay ang isang taong gulang na babae sa Barangay Kilada, Matalam Cotabato.

Ayon sa nanay na si alyas Marimar, nalingat lamang ito upang asikasuhin ang loob ng kanilang bahay ng kapagdaka’y nakita na lamang nito na lumulutang at wala nang buhay sa fishpond ang kanyang anak.

Ayon sa ina, nasa sampung (10) metro lamang ang layo ng pond sa kanilang bahay at posibleng nadulas ito na bago lamang natututong maglakad.

Dagdag pa nito, hanggang tuhod lang ang lalim ng fishpond ngunit dahil sa dulas nito ay posibleng di agad nakatayo ang bata sanhi ng pagkalunod.

Wala namang sugat ito o pasa na indikasyon ng pagkabagok. Patay na ng madala sa ospital ang naturang bata nang subukan pa itong irevive ng tumingin na attendant.

Umaapela ngayon ng tulong ang pamilya lalo’t kapos ang kanilang pinansyal na kakayahan. Siniguro naman ng may-ari ng fishpond kung saan sila nakikitira sa kanilang lote na tutulong ito sa pagpapalibing ng bata.

Photo for illustration purposes only.