SAPUL sa kuha ng CCTV ang ginawang pangraransak ng isang lalaki sa bayan ng Aleosan.
Kabilang sa mga natangay ang telepono ng isa sa mga tindera, telepono ng may-ari maging ang wallet na may lamang salapi.
Nakapasok ang suspek sa tindahan matapos itong magpanggap na kunsumidor at ng matapos maisagawa ang krimen, umiskapo ang suspek sakay ng motorsiklo na minamaneho ng kasabwat nito.
Nakunan sa CCTV maging ang pagtalilis ng takbo ng mga suspek patungo sa direksyon ng Midsayap.
Dahil dito, nananawagan ngayon si Ginang Helen Caunan na may-ari ng tindahan na kunsino ang nakakakilala sa suspek ay ipagbigay alam ito sa kinauukulan.