Isang trak na may kargang mga feeds ang nahulog sa bangin sa hangganan ng Poblacion at Greenhills, bayan ng President Roxas, Cotabato kahapon.

Batay sa ulat, paakyat ang naturang sasakyan nang biglang mamatay ang makina. Sinubukan ng drayber na kontrolin gamit ang preno, ngunit nawalan ito ng kapit at biglang umatras hanggang sa tuluyang bumagsak sa bangin.

Sa kabutihang-palad, nakaligtas ang lahat ng pasahero at hindi na umabot ang trak sa mas malalim na bahagi ng bangin na posibleng nagdulot ng mas malubhang aksidente.