Pamilya ay pamilya, pulitika ay pulitika.
Yan ang pananaw ni Incumbent Maguindanao Del Sur Vice Governor Nath Midtimbang ngayong magbabanggaan sa pwesto ng pagkagobernador sa probinsta ang kanyang ama na si Datu Ali Midtimbang at ang kasalukuyang gobernador na si Bai Mariam Mangudadatu sa susunod na taon.
Ito ang dahilan upang di na rin kumandidato sa pagkabise gobernador ang batang Midtimbang at mas pinili na rin niyo na kumandidato bilang alkalde sa bayan ng Datu Anggal Midtimbang kung saan ang may bahay nito na si Mayor Mary Joy Estephanie Midtimbang ang running mate nito.
Sa kabila ng pagbaba nito ng tinatakbuhang tungkulin, maglilingkod pa rin si Vice Nath bilang tagapangasiwa ng Sangguniang Panlalawigan at bise gobernador hanggang sa matapos ang una nitong termino.
Wala rin aniyang magiging pagbabago sa magiging serbisyo nito at mananatili itong tapat sa paglilingkod sa taumbayan at probinsya.