Naaresto ng mga awtoridad ang isang indibidwal na may nakabinbing warrant of arrest kaugnay ng paglabag sa Anti-Illegal Gambling Law matapos ang isang intelligence-driven operation na isinagawa ng Tasking Support Company (TSC) bilang lead unit.

Isinagawa ang operasyon sa tulong ng Sto. Tomas Municipal Police Station, LUPIU, LUMARPSTA, at 1st at 2nd LUPMFC. Ang suspek ay inaresto batay sa Warrant of Arrest sa Criminal Case No. 4235 dahil sa paglabag sa Presidential Decree 1602, na inamyendahan ng Republic Act 9287.

Ayon sa rekord ng korte, itinakda ang inirerekomendang piyansa ng suspek sa halagang Tatlumpo’t Anim na Libong Piso (₱36,000.00).

Patuloy ang koordinasyon ng Philippine National Police para sa maayos na proseso ng kustodiya at pagsasampa ng kaukulang kaso laban sa suspek, alinsunod sa umiiral na batas.