Nakipagkita si Isaac Herzog kay Bernie Lavarias, asawa ng yumaong Filipina caregiver na si Mary Ann De Vera, sa Jerusalem upang personal na iparating ang kanyang pakikiramay matapos ang pagkamatay ni De Vera sa isang missile attack.
Ayon kay Herzog, ipinapaabot niya ang taos-pusong pakikiramay ng estado ng Israel sa pamilya ni De Vera at sa buong sambayanang Pilipino. Binanggit din niya ang mataas na pagpapahalaga ng mga Israeli sa mga Filipino caregiver, na madalas ituring na bahagi ng kanilang pamilya.
Tiniyak ng Pangulo na makatatanggap si Lavarias ng agarang tulong pinansyal at buwanang benepisyo sa ilalim ng compensation program ng Israel para sa mga biktima ng digmaan.
Via Everly Rico, Bombo Radyo Philippines

















