Isinagawa kahapon ang pagpapasinaya sa First Septage Treatment Facility sa lungsod ng Cotabato. Itatayo ang nasabing pasilidad sa Purok Katamlangan sa Barangay Poblacion 8.

Ito ay isang programa ng City LGU na makapaghatid ng ligtas, malinis at maayos na tubig sa bawat residente ng siyudad. Katuwang dito ng LGU ang Metro Cotabato Water District o MCWD.

Sa pamamagitan ng nasabing pasilidad at makakaiwas sa anumang karamdaman ang mamamayan ng siyudad na maaring makuha sa tubig gaya ng disinterya, ameobeasis, diarrhea at iba pa.

Lilinisin naman ng naturang pasilidad ang lahat ng maruruming tubig upang muli itong mapakinabangan ng publiko.