Patuloy na nakakaapekto ang Intertropical Convergence Zone o ITCZ sa Mindanao, partikular sa rehiyon ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Batay sa forecast ng PAGASA, asahan ang maulap na kalangitan na may kalat-kalat hanggang tuloy-tuloy na pag-ulan at thunderstorms sa rehiyon. Dahil dito, mataas ang posibilidad ng flash floods at landslides lalo na sa mga lugar na mababa o bulubundukin.

Pinag-iingat ang mga residente at hinihikayat ang lokal na pamahalaan na maging handa sa anumang posibleng epekto ng matinding pag-ulan.