Patuloy na nakakaapekto ang Intertropical Convergence Zone (ITCZ) sa malaking bahagi ng Mindanao, kabilang ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Asahan ang maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog sa rehiyon bunsod ng ITCZ.

Babala ng mga weather authorities, ang katamtaman hanggang malakas na pag-ulan ay maaaring magdulot ng biglaang pagbaha at pagguho ng lupa, lalo na sa mga mababang lugar at kabundukan.

Pinapayuhan ang mga residente at lokal na pamahalaan na maging alerto at patuloy na mag-monitor sa mga advisory mula sa PAGASA at disaster response units.

Source: Pagasa Cotabato Station