Matinding nanalasa sa timog-kanlurang bahagi ng Jamaica noong Martes, Oktubre 28, 2025 ang Bagyong Melissa matapos itong mag-landfall bilang isang makasaysayang Category 5 na bagyo, ayon sa National Hurricane Center (NHC). Tumama ang sentro ng bagyo bandang ala-1 ng hapon (ET) malapit sa New Hope, na may taglay na lakas-hangin na umabot sa 185 milya kada oras.
Nagresulta ang bagyo sa matinding pinsala: bumaha ang mga lansangan, nasira ang maraming kabahayan at imprastruktura, at nagdulot ng nakamamatay na storm surge kasabay ng malalakas na pag-ulan na umabot sa ilang talampakan ang taas.
Bagama’t bahagyang humina ang bagyo at ngayon ay nasa Category 4 na lamang, nananatili itong lubhang mapanganib. Patuloy na nagbababala ang mga awtoridad habang tinututukan ang pagtama nito sa Cuba bilang susunod na landfall. Nakaalerto ang mga emergency response teams at nagpapatuloy ang malawakang paglilikas upang matulungan ang mga apektadong komunidad.

















