Opisyal nang na-discharge mula sa South Korean military sina Jimin at Jungkook ng BTS nitong Miyerkules, Hunyo 11, matapos makumpleto ang kanilang 18-buwang mandatory military service.

Na-enlist ang dalawa noong Disyembre 12, 2023, at magkasabay ding lumabas ng kampo habang binabati ang mga fans at media na nag-abang sa kanilang pagbabalik.

Ang discharge nina Jimin at JK ay kasunod ng paglabas nina RM at V mula sa serbisyo militar nitong Martes, Hunyo 10.

Sila na ang ikalima at ikaanim na miyembro ng grupo na nakatapos ng military duty, kasunod nina Jin at J-Hope na nauna nang na-discharge noong nakaraang taon.

Samantala, si Suga na kasalukuyang nasa public service ay inaasahang matatapos na rin sa Hunyo 21.

Inaasahan namang muling magsasama-sama ang pitong miyembro ng BTS sa pagdiriwang ng kanilang ika-12 anibersaryo sa 2025 BTS Festa na gaganapin sa Hunyo 13-14 sa Goyang, Gyeonggi Province.