Nagtapos na ang 24-taong karera ni John Cena sa WWE matapos siyang matalo ni Gunther sa kanyang huling laban sa Saturday Night’s Main Event sa Capital One Arena noong Sabado sa oras ng Amerika.
Ang 17-time world champion ay nagtapos ng kanyang wrestling journey sa pamamagitan ng isang submission loss sa kamay ni Gunther. Sa laban, ipinakita ni Cena ang kanyang mga kilalang signature moves, ngunit nakuha ni Gunther ang panalo matapos isagawa ang isang sleeper hold na nagpilit kay Cena na mag-tap out. Itinuturing ang tagumpay ni Gunther bilang malaking hakbang sa kanyang karera.
Nagbigay ng tribute si Cena mula sa mga fans at kasamahan sa WWE. Nandoon ang mga WWE legends tulad nina Shawn Michaels, Triple H, Rey Mysterio, at AJ Styles sa ringside upang magbigay galang sa kanya. Sa gitna ng mga chants ng “Thank you, Cena,” inalis ni Cena ang kanyang mga sapatos, wristbands, at ang kilalang “Never Give Up” armband bilang simbolo ng pagtatapos ng kanyang karera.
Inihayag ng WWE ang pasasalamat sa pamamagitan ng isang post sa social media na nagsasabing: “One final goodbye. Thank YOU, @JohnCena.” Matatandaan na sa kanyang huling taon sa WWE, nagwagi si Cena sa WrestleMania at nakuha ang kanyang ika-17 na world title bago tuluyang magretiro.

















