Suportado ng Joint Task Force Central at 6th Infantry Division ang naging hakbang ng pamahalaang bayan ng Barira, Maguindanao del Norte sa pagdedeklara sa Dawlah Islamiyah – Hassan Group at ang kanilang Black Flag bilang persona non grata.

Pinasinayaan ito sa pamamagitan ng Resolusyon Blg. 11, Serye ng 2025, bilang pagtutol sa karahasan at terorismo. Kinilala ng lokal na pamahalaan ang grupo bilang banta sa kapayapaan at seguridad ng komunidad.

Pinuri ng mga opisyal ng JTFC at 6ID ang matapang na hakbang ng Barira at nangakong patuloy na makikipagtulungan sa mga lokal na pamahalaan upang mapanatili ang katahimikan sa rehiyon.