Humingi ng paumanhin ang mangaawit na si Julie Anne San Jose sa mga naoffend sa naging asta at kilos nito sa isang benefit concert nito sa loob ng simbahan sa Occidental Mindoro.
Ayon sa singer, gusto nya lamang magpasaya ng marami at makatulong sa simbahan ngunit nabahiran ito ng kontrobersiya at iskandalo.
Magugunita na trending ang pagsayaw sa altar ng nasabing singer habang kumakanta ito ng Dancing Queen bagay na ikinadismaya ng maraming mananampalatayang katoliko.
Sa huli, hiniling na ni San Jose sa publiko na magmove on na sa nangyari at nakahingi na rin naman ito ng taos pusong paumanhin at nangako na itong di na mauulit pa ang nasabing iskandalo.