Nasa maselan na kalagayan sa isang bahay pagamutan sa lungsod ng Cotabato ang isang Barangay Kagawad ng bayan ng Mother Kabuntalan, Maguindanao del Norte matapos itong barilin ng apat na suspek nitong Biyernes, Disyembre 6.

Kinilala ang kagawad na si Abdullah Asgar y Gampong, 54 anyos at taga Barangay Tamontaka 4 sa lungsod.

Matatandaan na kasarapan ng kain ng biktima ng kanyang hapunan ng pasukin ito ng apat na suspek sa loob ng pamamahay nito at biglang pinagbabaril.

Tinamaan ng dalawang ulit ang biktima sa kanyang tiyan o abdomen. Nakuha naman sa pinangyarihan ang tatlong basyo ng kalibre 45 na pistola.

Patuloy naman sa imbestigasyon ang PNP para sa dagdag pang mga impormasyon at upang matukoy ang motibo ng tangkang pagpaslang dito.