Arestado ang isang kagawad na tinuturing na High Value Target ng PDEA BARMM sa ikinasa nitong buy-bust operations kahapon ng hapon sa Barangay Tulay sa bayan ng Jolo sa Sulu.

Kinilala ng PDEA ang naturang kagawad na tulak pa na si Kaber Yusop, 46-anyos, at kasalukuyang nanunungkulan sa Barangay Lakit sa bayan ng Panamao.

Nakuhanan ng tatlong libo na gramo o katumbas ng tatlong kilo ng shabu ang nasabing suspek na may halagang aabot sa dalawampung milyon at apat naraang libong piso ang suspek.

Sasampahan ng kasong paglabag sa Section 5 and 26 ng Art. 2 ng RA 9165 ang suspek na nasa kustodya na ngayon ng PDEA BARMM.