Patuloy na makakatanggap ng ₱10,000 Special Ameliorative Measure Allowance o Ramadhan Allowance ang mga kawani ng Ministry of Basic, Technical, and Higher Education (MBTHE) na nakatalaga sa Schools Division of Sulu.
Ito ay bahagi ng patuloy na pagpapahalaga ng ministeryo sa hindi matatawarang serbisyo ng mga guro at kawani nito sa edukasyon ng kabataan sa lalawigan.
Sa kabila ng desisyon ng Korte Suprema na alisin ang Sulu sa mapa ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), nananatili ang pangako ng MBTHE na suportahan ang mga empleyado nito sa lalawigan, lalo na ngayong banal na buwan ng Ramadhan.
Ang inisyatibong ito ay patunay ng dedikasyon ng ahensya na tiyaking natatanggap ng mga guro at kawani ang nararapat na benepisyo bilang pagkilala sa kanilang sakripisyo at serbisyo sa sektor ng edukasyon.