Mirakulong nakaligtas sa kamatayan ang isang 38 anyos na karpintero na si Erwin Baron Furog ng M’lang North Cotabato matapos itong saksakin ng kainuman nito na si Jose Magsipoc Cadut ng kaparehas ding bayan.
Nagpaalam lang diumano si Furog na uuwi na sa kanyang bahay sa mga kainuman nito kabilang na si Cadut ng biglang undayan ito ng suspek na si Cadut ng saksak ng patalim na kinuha nito sa UBOX ng kanyang motorsiklo.
Dahilan di umano ng pananaksak ni Cadut sa biktima ay ang di pagkakaunawaan sanhi ng kalasingan.
Nasa ligtas namang kalagayan ang nasabing karpintero habang sa kulungan magpapasko partikular na sa Lockup Cell ng M’lang PNP ang suspek na si Cadut.